30-Day Challenge: Day 2 – Nicknames

Posted: Sunday, 4 September 2011 in 30daychallenge

Ang full name ko ay Jeraldaine. Dahil panganay ako, somehow, pinagsama ng mga magulang ko yung pangalan nila – Gerardo at Daisy. Buti naman at medyo creative sila at the mowment kaya medyo unique naman ang pangalan ko. Parang Jaronce or Beyon-Z lang yan ano.

Pero pakitake-note naman na ang pronunciation niyan ay dze/ral/deyn. Medyo nakakapagod kasing icorrect. After some time, pinapabayaan ko na lang yung Jeraldine. Ganun talaga e.

Anyhoo, honestly, gusto ko rin ng isang unique na palayaw. Para kasi sa akin, term of endearment ang palayaw e. Pero gusto ko, Pinoy-sounding yung palayaw ko. So ano naman ang pwedeng iderive sa pangalan ko? Naisip ko na una, pwede sigurong Deng ano. Deng-deng.

Sa bahay at sa buong angkan namin on both sides, kilala nila ako as Jijette. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang palayaw na yan. Sabi ng Nanay ko, meron daw newscaster by the time na pinanganak ako with the same name. Tapos pinalayaw lang nung tagapag-alaga naming kapitbahay. Akala ko dati, unique din yung palayaw ko. Pero may mga naringgan na rin kasi ako ng same name, different spelling. Pero lampake.

Yung screen na pinto namin dati na kulay red pati yung drum namin na kulay blue ay may nakalettering na “Jijette & Jowell”. Pag nakita mo na yan sa Bagong Ilog, bahay na namin yun.

So ayun, maski yung mga kaklase ko nung elementary, yan din ang tawag sa akin. Yung ibang kaklase ko nung high school, yan din ang tawag sa akin pag naglalambing.

Ang derivative naman niyan sa mga kapitbahay namin ay Jijit. Parang may galit. Baka kasi di rin talaga ako uhmmm, gregarious, if I may use the term. So ayun, pag tinatawag ako ng mga kapitbahay, “Jijit, jijit. Pwedeng makitawag sa inyo?”.

Pero come puberty, shempre merong nang changes na dulot ng puberty. Sa maniwala kayo at sa hindi, may point na naging boyish ako nun. Kaya dineclare ko na ang palayaw ko ay Jherald. Yes, nabiktima din ako ng H-syndrome, at aminin naman natin na cool yun nung time na yun. Wala, feel ko lang yung Jherald kasi it gave me a sense of strength e – or so I thought. Tapos may mga nahahabaan sa Jherald. Kaya ang tawag lang nila sa akin ay Jhe. Or JheJhe.

Kaya naman naging official yung Jhe ay dahil meron akong sinalihan na contest nung high school na kinakailangan ng nickname. E nahabaan ako sa Jherald at parang masyadong papansin, e ang dami kong audience. So nagdecide na lang ako na Jhe ang ilagay. At saka meron kasing yun ang tawag niya sa akin e. Ayun o.

Pero come college, parang nacornihan ako sa Jhe. Sa bagay ang peg ko kasi nung college ay maging isang simple at ordinaryong estudyante. So tinanggal ko yung H. At saka, nagmature na ako. Kaya Je na lang po.

Nung nasa office na ako, ang tawag nila sa akin ay Jordalaine. Or Jepotz. Di ko rin alam kung baket. Pero katamad nang iargue pa e. May mga clients na Je ang tawag sa akin, kahit na Jeraldaine ang signature ko sa email. Nagtataka rin ako kung baket.

Anyhoo, nakakasuya rin yung paulet-ulet kang tinatanong kung anong pangalan mo. Je po. Jen? Jelle? Jet? Jess? Jefh? Jed? Jek? Je.

And Je is short for? Jericho. Lolx.

So ayun. Ako po si Je. Walang labis, walang kulang.

 

My name is Je and I am neat. I love pretty girls and I love to eat.

Actually, walang katotohanan lahat yan. Play of words. Or more of kumopya lang sa lyrics.

Ako nga pala si Je, isang bum.

Ito ang pinakarecent pic ko. Ganito ang chewra ko pag bagong gising.

Naisip ko lang naman na di ko rin naman papatulan itong 30-day challenge kung hindi ako bum. Pero si Red talaga ang driver netong pagblablog e. Visit ninyo yung blog niya: http://reduy.wordpress.com/.  Anyhoo, kaka-resign ko lang kasi sa trabaho ko for more than three years. Kung dedication lang din ang pag-uusapan, I am very dedicated to my job, alam ninyo yang lahat. Ahahahaha. Pero I have my reasons pero saka ko na lang ishe-share or baka hindi na rin necessary. Ang press release ko kasi ay mag-aasawa na ako. Good thing na may naniniwala pa naman. Alam ninyo naman kung gaano ako kaambivalent sa pag-aasawa. Lolx.

Anyhoo, for day 1, sabi ay introduce yourself. Most of the time, gusto kong magpaka-unique e. Yung ako lang ang nakakaisip. Kaya pag introduction nung college, sinasabi ko lagi, “Ako si Je. Isang Filipina.” Pa-stand out. Ahahahaha.

Sige, punta tayo sa basics. Ako ay 25 years old – kakaquarter-life crisis lang. Pero I do not look my age. I do not look my age? I think so. Papasa pa akong college student. Meron kaming reunion one time at sabi nung isa naming kainuman, wala daw nagbago sa akin nung high school. Somehow, natakot ako kasi parang di ako nagproprogress as a person. Pero kaartehan ko lang yun. I will turn a year older this month, kaya rin partly ako nag-blog. Isang anak ng Pasig – never kong ipagpapalit ang Pasig sa puso ko. Or ang Bagong Ilog for that matter. Panganay sa apat na magkakapatid – I think, pwede kong mapanindigan yung pagiging ate ko. More of primary purchase decision maker ako sa bahay e.

Contrary to popular belief, di ako mahilig sa pusa. Pero mahal ko yung mga pusa namin. Gets? Mahilig lang talaga ako sa mga ganitong logic – pampalito, pero may point.

Hala, wala na akong maisip na pang-introduction. Nasabi ko na kasi yung trabaho ko dati, yung mga pusa namin, at konting basic information. Ahaahahahahaha. Most of the time, yan lang ang tinatanong sa akin. Ahahahaha. Kumusta na yung trabaho mo? Kumusta na yung mga pusa ninyo? In short, boring talaga ako as a person.

Kung gusto ninyo talaga akong makilala and learn kung gaano ako ka-boring as a person, ifollow ninyo lang ako sa twirrer, @dilimanista. Kung itutuloy ko itong blog na ‘to, am sure you’ll learn more about me.

Pwede na bang dumako doon sa 15 interesting facts? O heto na.

  1. Meron akong affinity na maging late – kahit anong aga ng gising ko. Actually on a regular basis, 3 hours before the time ako kung gumising. Pero mabagal lang talaga akong kumilos. At maraming unnecessary activities in between. Naalala ko tuloy yung ang aga kong nagising tapos merong magandang movie tapos lunch time na ako pumasok.
  2. Tulog mantika ako. Nung nagdorm ako, gising na lahat ng roommates ko pero di pa ako gising hahahaha. Maski pag out-of-towns, nagpapatawag pa ako sa Nanay ko para lang magising ako. Meron pa ngang time na 3 cellphones ang inalarm ko para lang magising. Pero dati, merong nag-payphone pa para lang gisingin ako. Ayun o. Ahaahahahaha.
  3. Pinakamahabang tulog ko na ang 21 or 22 hours yata – parang tanga yung buong araw ka lang natutulog ano. Pero pinakamahabang gising ko na ang 40+ hours para sa Psych 135 paper. Pero ngayong tumatanda na ako, hanggang 30+ hours na gising na lang ang kaya ko.
  4. May pagkamasokista ako. Gusto ko pag nakakaramdam ako ng sakit. Pero hindi ko naman siya hinahanap. Di naman ako sa hazard sa sarili ko. Pero pag nandiyan na yung pain, more of ninunurture ko siya. Di ako nagpepainreliever. Gusto ko yung sakit ng ulo, yung tipong mabibiyak na yung ulo ko. Yung tipong luluwa na yung mata ko. Gusto ko rin yung singaw. Usually pag may singaw ako, kakain ako ng maanghang, tapos itatapat ko yung chilli sauce doon. Gusto ko rin yung sakit ng ngipin. Gusto ko rin yung sakit ng puson. Gusto ko rin yung sakit ng puso. Ayun o. Ahahahahahaha. Pero di ko gusto ang sakit ng tiyan. Hindi ko kasi siya matantiya e. Di mo alam kung masakit lang ba siya or majejebs ka na or masakit lang siya.
  5. Speaking of which, di ko bet yung mga bagay na di ko matantiya. Kumbaga, yung mga walang basehan. Ayaw ko ng alanganin. Nahihirapan akong i-deal with ‘tong mga bagay na’to pero inevitable naman kasi everyday naman meron ganito. Pero I get by each day. Ayaw ko lang naman sila.
  6. Kaya ayaw ko rin ng mga surprises. Kasi di ko siya matantiya e. Di ko alam kung sapat na ba yung binibigay ko from my end to answer the surprise. Pero shempre, kahit naman sino ay gusto ang sinusurprise sila – in a good way.
  7. Pero mahilig akong magbigay ng surprise. Ang labo ano. Yung tipong out of the blue, like head over heels na surprise. Ito yung naeexcite akong isipin at gawin. Favorite ko rin ang magbigay ng regalo or anything special. Over the top, ganun levels. Pag ganito, binibigay ko talaga yung best ko. Kaya lang, most of the time, am limited by my resources and availability ng gamit. Or di cooperative yung mga tao sa mga gusto kong mangyari.
  8. Di ako mahilig kumain. Like kung gutom lang, pwedeng kumain ng kahit ano. Pag busog na at ayaw kong kumain, e di ayaw ko na. Tapos di rin ako malakas kumain. Siguro three-fourths of a serving lang yung most kong makakain. Tapos may mga pagkain pa akong hindi kinakain – pipino, pickles, watermelon, melon, okra. Pero mahilig ako sa maalat, maanghang, at maasim. Not so sa matatamis – except brownies. Pag brownies, pwede akong makipag-away.
  9. Pero favourite ko shempre ang luto ng Nanay ko. Best in cooking din kasi siya. Favorite ko yung sinampalukang manok, pakbet, menudo, pinapaitan, dinakdakan na malamig. Pwede na ang kare-kare, yung kaldereta kasi kulang sa anghang, at marami pang iba. Di niya specialty ang fried chicken, na kere lang naman din.
  10. Meron akong tendency na maging noob, lalo na sa mga techie gadgets. Pero hindi naman yung tipong nakakasira ha, more of tanga-tangahan talaga. Kaya ayaw ko yung nagpapalit ng cellphone, laptop, media player. Kasi it takes a while pa for me to be comfy with a gadget.
  11. Meron akong mga altered egos na masasabi pero puro pangalan lang. Si dilimanista ang aking default web identity. Tapos yung tanga-tangahan split niya si tubelight. Di masyadong maka-gets e, or may need na maka-gets. Ahahahaha. Tapos ang consumer name ko ay Nina, wala pa siyang apelyido e. Baka Lopez na lang. Tapos ang survey name ko ay Sydney Bristow.
  12. Hmmmm, ano pa ba? Di ako mapangdaot na person in general, except sa mga artista. Naniniwala ako na valid ang reasons ko para i-point out ang flaws nila bilang yan ang tinatawag ng industriya nila e. Pero may reasons naman ako kung bakit ko sila hate. Sana lang walang mang-bash sa akin dito ano. Sa mas nakakakilala sa akin, kilala na nila kung sino talaga ang mga hate ko. Lolx. Namiss ko na si Yaya. =)
  13. Left handed ako. Secret lang ‘to, pero natutuwa ako pag may nagiging kakilala akong leftie. Kasi feeling ko special kami e. Hehehehe.
  14. Merong tendency na magsparkle yung eyes ko. Ewan ko ba diyan. May kakasabi lang sa akin e, as I type this. Lolx.
  15. Meron akong birthmark sa pwet. Kaya lahat ng misfortunes, sa akin ninyo isisi. Dati tumirik yung bangka namin sa gitna ng Ilog Marikina. Ako yung may kasalanan nun. Pati yung earthquake sa Japan, akin yun.

Haaaaay, salamat at 15 lang. Wala na akong maisip e.

Hahabulin ko pa yung dalawang blog entries later. Later na lang please. Ahahahaha.

Sana lang din maging @superstarmarian ang levels nito – MEYNTEYN!

 

 

stucked

Posted: Wednesday, 30 May 2007 in Uncategorized

I tend to be sentimental with a lot of dates. Every morning, I wake up, thanking for the breaths I am taking in and out, and hoping that the day won’t suck. I check my mobile phone and always get stuck to what date it is.

***

A year ago, I can still vividly remember that I had a haircut in a high-end urban salon. My friend told me that I was just wasting money because I did not even bother to change my hairstyle. That same old playsafe me – of course, for those I-don’t-have-that-time-for-my- hair days. She said that I should try new things. New things.
I went to a chapel afterwards. I wanted to comfort myself. New things. Again, my mind was racing again, classifying new things. What are new things anyway? I went blank. I am obsolete. I am so sorry for myself.

I watched a movie afterwards.

***

Half a decade ago, I can still remember that I stared at my closet longer than usual, picking up my most ladylike wardrobe. I went out of our humble abode, greeted the sun, wished that I could hold onto this “idea”.

I smiled a lot that whole day. I did not notice mall-goers and did not bother to bash on social realities that pollute such a dwelling. The time ticked a little slower than usual.

We watched a movie afterwards.

***

It’s different now. To most people, it is not making sense at all. Well, just to remind myself, they always think that way.

But in reality, it is still the same. I could still feel happy, excited, elated on this day. And as the day ends, most of the time, I felt wasted, even regretful why I’m still stucked up. And still nobody understands.

It’s just too difficult to have a perspective. Sometimes I just don’t believe myself anymore. I don’t know if I’m still this person moving, breathing, living. Everything that I treasured from the past, those colorful moments are now downgraded into meaningless incoherence. I cannot even distinguish if those things really happened or if it’s just make-believe.

***

I am still asking all the questions. But I am still enchanted by the idea that I can have the answers.

[s]eleksyon

Posted: Wednesday, 16 May 2007 in Uncategorized

Binubuno ng mahahalagang sandali ang araw na ito sa kasaysayan na naman ng bansa. Masasabi kong kumplikado at krusyal sapagkat pinag-uusapan rito kung saan ipapanig ang kapangyarihan – ang kakayahang makapangyari ng pagbabago at kaunlaran para sa ating lahat.

Hindi maikakaila na naging masalimuot para sa ating lahat ang mga nakaraang araw dahil na rin sa tawag ng eleksyon. Punong abala rito ang mga kakandidato at ang kanilang mga alagad sa pagpapahayag ng kanilang mga plataporma at panliligaw sa tiwala ng botanteng Pinoy. Gayunpaman, heto’t binabagabag pa rin tayo ng mga samu’t saring kontrobersya, mga kalunos-lunos na krimen, at labis na pag-iisip kung sino nga ba ang ihahalal ngayong eleksyon.

Sa ikalawang pagkakataon, ay ipinagkakaloob sa akin ng konstitusyon ng bansa ang karapatang makapaghalal. Kung tutuusin ay hindi naman mabigat na responsibilidad ang agpunta sa paaralan at magsulat ng pangalan ng kung sino lang. Ito rin ang nasa isip ko noong una akong bumoto. Pero kung babalikan natin ang mga nagdaang pangyayari sa bansa, napagtanto kong maaaring may kasalanan din ako sa mga hindi magandang pangyayaring iyon. Sa pagkakataon ko ngayon, hindi ko alam kung sapat na ba ang pagsusuring aking ginawa para sa mga pangalang isusulat at hindi ko isusulat mamaya sa presinto ng botohan.

Gayunpaman, magaan ang kalooban kong sabihin na hindi ko sinasayang ang pagkakataong ito. Malinis ang aking konsensya na ang aking mga isusulat at hindi isusulat na pangalan ay hindi dumudungis sa aking pagkatao. Hindi ko na rin siguro panghihinayangan at ilang blankong espasyo sa aking balota dahil ito naman ang realidad e – kakaunti lamang ang tunay na tapat na gumaganap ng tungkulin.

Sa katunayan, ang konsepto ng katapatan ay masasabi kong relatibo pa sa konsepto ng pulitika. Hindi nakakapagtaka na may mga pagkakataong makakagawa rin naman sila ng pagkakamali ngunit makakagawa rin ng tama. Pero ang mahalaga marahil ay matingkad ang pagmamalasakit nila sa bayan kahit na may mga banta na ganitong mga pangyayari.

Maganda rin sanang tukuyin na hindi lamang ang mga kandidato ang pinupukol ng katanungan ng katapatan. Ang pinakamalaking kapangyarihan sa konteksto ng isang eleksyon ay nasa kanyang botante. Minsan ay nakapag-123 ako sa dyip dahil sa mainit na komosyon sa pagitan ng aking kaibigan na nagbabalak ibenta ang kanyang boto. Kung tutuusin, mahirap talagang timbangin ang ganitong mga kalagayan, lalo na at naglalaro ang konspeto ng kahirapan sa ganitong mga usapin. Subalit hindi naman matutugunan ang problemang ito sa simpleng pagbebenta ng balota. Lalo pa ngang kahindik-hindik ang balik nito sapagkat ginugulangan lamang nila ang mamamayan kapag ibinigay na natin sa kanila ang pwesto.

Sa bahay namin ngayon ay 7 dapat ang boboto. Pero tatlo lang kaming sumadya – ang aking mga magulang at ako. Ang aking 3 pinsan ay hindi na nagsayang ng panahon na umuwi pabalik ng aming mga probinsya para bumoto. Hindi na rin nila inintindi na dito na lamang magparehistro, sa hindi ko malamang dahilan. Ang aking kapatid na sana ay unang beses na boboto ngayon ay tinatamad magparehistro at mukhang may sariling sistema na pinaniniwalaan pagdating sa eleksyon.

Ngayong eleksyon ay nasa atin ang seleksyon. Meron tayong kapangyarihan na pumili at hindi pumili. Para sa mga kandidato, merong pagkakataon na kayo ang pipiliin at hindi pipiliin.

Ang kakakayang makapangyari ay nasa ating boto.